EPISODE 1.1 Ang Mga Kawal At Mandirigma
At Naganap na ang Inaasahan biglang Dumilim ang malawak na Kalangitan at prang delubyo na nga ang mangyayari... Sa Bayan ng Geffen hindi kalayuan sa Bundok ng Mjolnir ay bigla na lang nagbulwakan ang mga asupre sa gitna ng bulkan sa unang pagkakataon ay bigla na lang itong sumabog at naglabasan ng mga maiinit na asupre sa loob ng bulkan. Ayon sa alamat isa itong natutulog na bulkan kaya nagitla na lamang ang mga magikero ng bayan ng Geffen.. ito na tlaga ang senyales na parating na ang Delubyo.. Ang Ragnarok.... Pagkatapos tipunin ni haring Tristan IX ang mga magigiting na Heneral,kawal at Mandirigma ng Prontera. Isa isa nitong Pinagdestino ang mga brigada ng mga mandrigma sa palibot ng kaharian ng Prontera upang ihanda ang sarili sa nalalapit na malaking digmaan sa pagitan ng Itim na Elemento o Kampon ng Kadiliman....
Ang mga kawal at mandirigma ay kinabibilangan ng mga iba't ibang klase ng tao at ang mga kanilang trabaho tulad ng Sakristan "Acolyte",Pari "Priest" na galing sa simbahan ng Prontera,Mahikero "magician", Salamangkero "wizard" na galing naman sa Bayan ng Gepen, Tindero "Merchant",Itim na Panday "Blacksmith" mula sa bayan ng Alberta, Tagapana o mangpapana "Archer", Tagasulo o Tagahuli "Hunter" nagmula pa sa bayan ng Payon, Mga Espadang Kawal "Swordman",Gabing kawal o "Knight" na galing din sa lugar ng Prontera, mga magnanakaw "Thief", mga ABB or mas kilalang Alex Bongcayao Brigade "Assasin" sa bayan ng Morocc...Gusto ko rin idagdag na sumama din sa mga Mandirigma Sa Pangununa ng mga Star Witnesses kasama si Mr Jun Lozada JR. at mga Madre, Mga Doktor sa Pamumuno ni Hayden Kho, MMDA sa pamumuno ni Chairman BF, Tindera ng Isda at Pedicab Driver at lider nilang si Mang Mar,Mga OFW kasama si Manoy Manny V, Mga katulong, Labandera at si Ate Glo, Istambay, Kusinera, Manikurista at marami pang Iba...(Seryoso na ulit)
Dahil sa pangamba na sila'y lusubin napagpasyahan ng mga Bayan na gumawa ng Barikada sa lahat ng Bayan sa Buong Midgarad nang sa gayon ay masiguro ang kaligtasan na buong sangkatauhan...Ngunit ang mga mga hayop sa paligid ng mga barikada ay nahigop ng masamang elemento tulad ng Tipaklong,Paru paro, daga, kuneho, at marami pang ibang nilalang na hayop man o insekto o bagay ay naging mga halimaw at ang iba'y naging agresibo.... Dahil sa pangyayari minabuti ng konseho ng buong Midgard sa pangunguna ni haring Tristan IX ay bumuo ng mga akademya o paaralan pra mga gustong maging Propesyon ang Pagsupil sa kasamaan.. Ang Prontera ay nagtatag ng Akademya pra sa mga Gabing kawal or "Knight' at Sakristan "acolyte" at mga Pari "Priest" Samantalang nakiisa din ang ibang bayan na magkaruon ng mga Akadeyma..
Wednesday, July 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Need ur Comments Guys Kung tutuloy ko ang Story or Ndi i Need some inspiration coming from you... Thanx!!!
naks nabitin ako sa estorya mo heheh 2loy mo para may paglilibanagan ako minsan n mabasa heheh..
basata bitin nasasabik mo sa dugtong ng estorya.
W8 ko tol ang karugtong
Post a Comment